Tuesday, December 19, 2006

Ang Una Kong Komposisyon Gamit Ang Bernakular sa Blogger Na Ito

GANUN PALA Ganun pala kapag bata pa. Maraming tanong ang sumasagi sa isip mo Maraming dapat ipaliwanag sa mapaglarong kaisipan ng isang bata Pero, ang nais lamang ay maglaro kasama ang mga kaibigan mangulit kapag may gusto iiyak kapag iniwan o may masakit sisimangot kapag galit, nagtatampo o kung may ayaw. Ganun pala kapag pumapasok ka na sa eskwela. iiyak sa una dahil hindi na katabi at kasama ang nanay o tatay, ngingiti kapag may nakikilalang bagong kaibigan magsasaya kapag mataas ang markang nakuha minsan pa'y ipagyayabang ito kahit ang ilang mga bagong gamit sa'yo. Pero, yuyuko kapag napagsabihan nanginginig sa takot kapag nasigawan minsan ay may tuwa kapag may takdang-aralin, at nangungulit pa ring sumama sa kahit anong "field trip" o lakad ng kaklase o barkada Nagkakaroon ng bagong palayaw o tawag maraming asaran, maraming kasiyahan at kalungkutan. Ganun pala kapag ganap ka ng dalaga o binata. Nandoon ang asaran ngunit walang kasawaan ang kasiyahan nandoon ang mga unang karanasan: lumabas na kasama lamang ang kaibigan, umibig kahit hindi pa dapat, makipagtalo sa magulang, mapapaway sa o para sa barkada, minsan may sasabit pang sakuna, aksidente o disgrasyang walang sinuman ang may gusto Minsan ay maiisip lang ang pangsarili at hindi maiisip ang kahihinatnan ng ginagawa Magawa at matupad lamang ang gusto, sumaya lamang ang sarili. Ganun pala kapag nakapagtapos ka na. Minsan wala ng maisip Nagiging malabo ang patutunguhan Haharapin ang mundo na walang kasiguraduhan Basta, makapasok sa institusyon o establisimientong napupusuan May maipon lamang para sa kinabukasan. ===========@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@===================== Ganun pala kapag bumabyahe ka sa umaga. Kailangan ay gumising ka ng maaga para lang habulin ang walang kamatayang trapiko sa Kamaynilaan at hindi mahuli sa puputahan. Ganun pala kapag bangag ka. Kailangan mong unatin at banatin ang katawan upang kumilos ng masigla at upang mawala ang anumang bahid ng ka-bangagan. Ganun pala kapag masyadong matagal na wala ang punong-tagapamahala mo. Nasasanay ka na gawin ang anumang naisin mo sa oras na gusto mo May matatapos ka at may makakalimutan ka ring mga trabaho na sa pagbalik niya, saka ka naghahabol sa mga papeles na dapat ay nailabas o nagawa na noong wala pa siya. Ganun pala kapag nagmamadali ka. Marami kang nakakalimutan, Marami kang nakakaligtaan gawin, marami ka ring pagsisisihan kapag nahuli ka o di kaya'y iba ang naging kahihinatnan. Ganun pala kapag hindi ka nakapagbaon sa opisina o sa eskwela. Kailangan mong tignan ang perang nasa walet mo upang bilangin ang kakailanganin mo para makakain ka at magkasya sa walong oras na ilalagi mo sa opisina o sa eskwela kasama na ang pambayad sa pamasahe papunta at pauwi. Ganun pala kapag baguhan ka sa trabaho. Ang mga mata'y laging nakamasid sa halos lahat ng kinikilos mo Uutusan ka para malaman ang takbo ng isip mo pati na sa mga galaw ay makikita ang pagkatao mo. *******************=================================******************* Ganun pala kapag may hinhangaan ka. hihingin mo ang larawan nya o di kaya'y tititigan mo ito ng matagal na kapag nilapitan ka'y hindi ka naman makatingin at kapg tumingin sa'yo ay ika'y mamumula sa pagkahiya, Kapag nagpapansin sa'yo ay iyo ng aayawan Na kapag malungkot siya't umiiyak, itatahan mo siya at aaluking maging kaibigan. Ganun pala kapag umibig ka sa unang pagkakataon. Lahat gagawin mo para sa iniibig mo. Kahit minsan ay alam mong hindi mo na kaya Pero, dahil para ito sa kanya, gagawin mo pa rin na walang pagaalinlangan o pagdududa Kakantahin halos lahat ng mga kantang-pag-ibig kikiligin, ngingit ng sobrang tamis kapag nakikita siya o kapiling at katabi mo siya para bang ang mundo ay siya at ikaw na lamang. Ganun pala kapag nasaktan ka ng iyong minamahal. Magagalit ka ng husto sa kanya, Ngunit mananahimik lang Iiiyak sa isang tabi at kapag tumagal, nawawalan na ng tiwala at tastapusin na ang lahat ng namamagitan sa inyong dalawa. Ganun pala kapag nakipaghiwalay ka sa mahal mo. Maglalakas loob ka ng isumbat lahat ng maling nakita mo noon minsan ay ibabalik sa kanya lahat ng binigay niya sa'yo buburahin siya sa loob ng "phonebook" ng cellphone mo pagkatapos ay iiyak magdamag, matutulala, magiisip ng magiisip, minsan ay mababaliw ka, Mapapaisip sa gabi at biglang luluha, at minsan, sa sobrang pagdurusa ng puso mo maiisip mo ng tapusin pati ang buhay mo. Ganun pala kapag nagawa mong umibig muli Kahit sa iba na at hindi sa una. Mapapangiti kang muli mapupuno ulit ng pag-asa, gagawin muli ang mga ginawa noong una kang umibig Ngunit, may konting pagbawi sa nararamdaman mag-iingat na at matututunang mahalin ang sarili habang iniingatan ang pag-ibig ninyong dalawa. ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^###################^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^ Wala pa itong ending kasi hanggang dito pa lang ang nangyayari sa buhay ko. ewan kung kailan ko pa ito madudugtungan. Ang hirap mag-tagalog. Pero, gusto kong sumulat sa ating bernakular. GANUN PALA!

No comments:

HeAvEnLy IcOnS

HeAvEnLy IcOnS
WELCOME TO MY SANCTUARY OF THOUGHTS AND FEELINGS!

cutey, girly, fun and lovely wallpapers only available in this site